- 歌詞
- アルバムリスト
- 歌手の紹介
Ogie Alcasid( Herminio Jose Lualhati Alcasid Jr. )
-
Ngayon
Ngayon ang simula ng hiram mong buhay Ngayon ang daigdig mo'y bata at makulay Ngayon gugulin mo nang tama't mahusay, Bawat saglit at sandali Magsikap ka't magpunyagi Maging aral bawat mali
Ngayon bago ito ay maging kahapon Ang pagkakataon sana'y huwag itapon (ooh) Ikaw, tulad ko rin ay may dapithapon, Baka ika'y mapalingon Sa nagdaang bawat ngayon Nasayang lang na panahon
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang, Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kay ganda ng buhay ngayon
Sa buhay mong hiram Mahigpit man ang kapit May bukas na sa iyo'y di na rin sasapit(di na rin sasapit) もっと沢山の歌詞は ※ Mojim.com Ngunit kung bawat ngayo'y dakila mong nagamit Masasabi mong kahit na Ang bukas, di sumapit pa Ang naabot mo'y langit na
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang, Kung bawat ngayon mo sa 'yo ay laging sulit lang Kayganda ng buhay Bukas mo'y matibay Dahil ang sandiga'y ngayon
Ituring mong kahapo'y waring panaginip lang Ang bukas, pangitain n'yang ganda'y sa isip lang, Kung bawat ngayon mo sa'yo ay laging sulit lang Kayganda ng buhay Bukas mo'y matibay Dahil ang sandiga'y ngayon Ngayon... Ngayon...
-
|